Sunday, October 4, 2015

ALAM NAMIN KIEF


Kiefer Ravena,

 Alam kong ito na ang huling taon mo bilang manlalaro ng Pamantasan ng Ateneo de Manila at gusto mong gawing “worth it” ang iyong ika-huling taon. Alam kong gusto mong bawat shoot mo ay maging susi sa tagumpay ng ating team. Alam kong pasan-ko-ang-daigdig ang peg mo magmula pa noong season 76. Alam kong ikaw ang team captain at alam kong mvp k
 Pero alam kong alam mo rin na hindi lang ikaw ang naglalaro. Alam kong alam mong lahat kayo ay nagsasanay upang kayong lahat ay humusay sa inyong laro. Alam kong alam mo na hindi lang ikaw ang nakapupuntos at mas lalong alam kong alam mo na isang team sport ang nilalaro mo.
 Oo, ikaw ang numero unong scorer ng team. Ngunit alam naming hindi sa lahat ng oras ay kaya mong mag-deliver. Alam naming minsa’y sadyang pumapalpak ka. Alam naming minsa’y di mo rin kaya.
 Alam mo ‘yan.
 Pero bakit gusto mong ikaw pa rin ang gumawa ng shot. Bakit kailangang ikaw pa rin ang kumuha ng risk?
 Sampung segundo pa ‘yon. Kung tama man ako, pagsapit ng 4 o 5 na segundo, ika’y nagpakawala na ng tres na pumalpak. May mga teammates ka sa tabi mo. May oras ka pang ipasa ang bola. Alam mong ikaw ang babantayan ng mga manlalaro ng kabilang koponan. Bakit kailangang ikaw pa? Marami sa mga tira mong tres ay mintis. Bakit ba ginawa mo pa rin?
 Kiefer, magtatapos ka na rito. Turuan mo naman ang team na huwag lang umasa sa ‘yo.
 Alam na ng lahat na talagang magaling ka naman at alam na rin naming pumapalpak ka nga lang talaga minsan.
 Kiefer, ipakita mong isa kayong koponan. Ikaw man ang star player pero laro to ng isa para sa lahat at lahat para sa isa.
 Kiefer, ikaw ang team captain at sana’y ‘di lang husay sa laro ang iyong ipamalas. Ipakita mo rin sa’min ang iyong pagiging lider sa loob ng court.
  Kiefer, ‘di lang kami sa ‘yo umaasa. Umaasa kami sa buong Ateneo Blue Eagles.  

Coach Bo,

 Coach pang-ilang taon mo na ba ‘to?
Hanggang ngayon puro ka Kiefer. Si Kiefer lang ang inaasahan mo sa bawat laro.
Aalis na siya coach, sino na ang aasahan mo? ‘Yong darating na rookie? Coach naman, gusto mo buhat ulit. Tama na ang Sistema mong pag-aasa sa iilang players. Lahat dapat ng players asahan mo dahil lahat sila nag-eensayo’t gustong gumaling sa laro. Coach team ‘tong hinahawakan mo, hindi iisang manlalaro lang.
 

Sa mga manlalaro ng Ateneo Blue Eagles na umaasa lang sa iilang players ng koponan (kung meron man),

 Kung ganyan lang din kayo, Huwag na kayong maglaro. Walang kwenta ginagastos ng unibersidad para sa inyo.
  

Sa buong basketball team,

 Wala e, win or lose it’s the school we choose. Bawi na lang next round.


No comments:

Post a Comment